Unang regional roll signing sa Visayas ng mga bagong abogado, nagsimula na

Umarangkada na rin ang kauna-unahang regional roll signing sa Visayas ng mga bagong abogado.

Ito ay isinasagawa sa Cebu Provincial Capitol Social Hall, Capitol Compound, Capitol Site sa Cebu City.

Magtatagal ang roll signing sa lugar hanggang sa Hunyo 3.

Inilipat sa Cebu Provincial Capitol Social Hall ang paglagda sa roll of attorneys mula sa IBP Building sa Cebu City para ma-accomodate ang madaming bilang ng mga nakapasa sa bar exams at masunod pa rin ang physical distancing.

Courtesy: SC PIO

Bumisita sa ikalawang araw ng roll signing sa Cebu City si 20202/2021 Bar Chair Justice Marvic Leonen.

Tanging ang mga nakadalo sa oathtaking sa MOA Arena ang pinapayagan na makalagda sa roll of attorneys.

Kabuuang 8,241examinees ang nakapasa sa kauna-unahang computerized at localized bar exams noong Pebrero.

Moira Encina

Please follow and like us: