US Embassy nagpaabot din ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Aquino

Nakikiramay din ang Embahada ng US sa Pilipinas sa pagkamatay ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanyang tweet, sinabi ni US Embassy Chargé d’Affaires John Law na nakikidalamhati siya at ang embahada sa pamilya at mga mahal sa buhay ng dating presidente.

Aniya ikinalulungkot ng US Embassy ang pagpanaw ni Aquino.

Ayon kay Law, patuloy nilang ipagpapasalamat ang naging partnership ng US at Pilipinas sa panunungkulan ni Aquino.

Moira Encina

Please follow and like us: