US Gymnastics star Simone Biles, ikinasal na sa nobyong NFL player

Simone Biles and Jonathan Owens pose on the field prior to Game One of the 2022 World Series between the Philadelphia Phillies and the Houston Astros at Minute Maid Park on October 28, 2022 in Houston, Texas. Carmen Mandato/Getty Images/AFP (Photo by Carmen Mandato / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Inanunsiyo ng US gymnastics star na si Simone Biles at NFL Houston Texans safety na si Jonathan Owens ang kanilang kasal, kasama ng mga larawan ng espesyal nilang araw na ipinost sa social media.

Si Biles ang 2016 Rio Olympic all-around champion at five-time world all-around champion, habang si Owens naman ay naging bahagi ng Texans noong 2019.

Inanunsiyo ng magkasintahan ang kanilang engagement noong Pebrero ng nakalipas na taon.

Sa kaniyang post sa Instagram account kung saan ang pangalan na niya ay Simone Biles Owens, ay nakalagay ang caption, “I do (heart emoji) officially owens (heart emoji).”

Sa reply naman ni Owens ay nakasaad, “Wifey got a great ring to it. First day of forever.”

Si Biles ay nagwagi ng apat na Olympic gold medals sa Rio, at nakakuha rin ng team, vault at floor exercise titles at bronze medal sa balance beam.

Paborito siyang manalo nang lumahok sa Tokyo Olympics, ngunit umatras siya sa karamihan ng kaniyang events dahil sa mental health at safety concerns, sa pagsasabing nakararanas siya ng “loss of air balance awareness.”

Gayunman, nakakuha pa rin siya ng silver medal sa team at isang bronze sa balance beam sa Tokyo.

Nanalo rin siya ng 25 world championships medals, 19 dito ay ginto, at tumanggap ng Presidential Medal of Freedom mula kay US President Joe Biden noong isang taon.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *