US Pres. Joe Biden nakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpaabot din ng pakikiramay si US President Joe Biden sa Pilipinas at sa pamilya at mga mahal sa buhay ng pumanaw na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa statement na inilabas ng White House, sinabi ni Biden na isang “valued friend and partner” ng Estados Unidos si Aquino.

Courtesy: US Embassy in the Philippines

Maaalala aniya si Aquino dahil sa pagsisilbi nito sa Pilipinas na may integridad at selfless na dedikasyon.

Ayon kay Biden, ang legacy ni Aquino sa Pilipinas at abroad na magtatagal sa mga taon pang darating ay ang committment nito sa pagsulong sa kapayapaan, rule of law, at economic growth sa mga Pinoy habang gumawa ng matapang na hakbangin para makamit ang rules-based order.

Inihayag pa ni Biden na pinapahalagahan niya ang panahon na nakatrabaho niya si Aquino.

Moira Encina

Please follow and like us: