Usec Ma Rosario Vergeire suportado ni Senate President Juan Miguel Zubiri para maging susunod na kalihim ng DOH

Suportado ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Undersecretary Maria Rosario Vergeire sakaling ito ang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang Kalihim ng Department of Health.

Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Zubiri, highly recommended nya si Vergeire sa posisyon.

Alam aniya nito ang kanyang trabaho, bukod sa naging maganda rin ang paghandle nito sa COVID- 19 situation.

Bago naging Officer in Charge ay naging tagapagsalita rin  ito ng DOH.

Umaasa si Zubiri na makukumbinsi si Vergeire na tanggapin ang posisyon kung sakali.

Batay  sa natangap niyang impormasyon, ikinukunsidera ni Vergeire ang kanyang pagiging career official, kapag kasi tinanggap nito ang posisyon bilang kalihim ay pwede siyang maalis sa DOH anumang oras.

Sa mga nakaraang pahayag, una ng sinabi ni Vergeire na ipinauubaya na nya sa Pangulo ang pagdedesisyon kung sino ang nais nitong ilagay sa DOH.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *