Vaccination hub sa Davao City, naragdagan

Muling naragdagan ang mga vaccination hub sa Davao City, matapos buksan ng lokal na pamahalaan nitong Lunes, Mayo 24 ang Davao City National High School, bilang isa sa mga paaralan na maging venue para sa pagbabakuna.

Ang vaccination hub na ito ang gagamitin sa pagbabakuna sa mga nasa priority group A2 o senior citizens.

Matatandaan na apat na paaralan na ang nabuksan bilang vaccination facility noong mga nakaraang buwan, kabilang dito ang Buhangin Central Elementary School, Magallanes Elementary School, Mabini Elementary School, at Mintal Elementary School.

Inaasahan naman na magbubukas pa ng maraming kagaya nito ang city government of Davao sa susunod na mga linggo.

Ulat ni Noreen Ygonia

Please follow and like us: