Vaccine Czar Galvez, aminadong mabagal ang distribusyon ng bakuna dahil sa Certificate of Analysis

Inamin ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa programang Isyu ng Sambayanan na may kabagalan ang distribusyon ng bakuna sa mga lokal na pamahalaan dahil sa mga ginagawang pag-iinspeksiyon at pagkuha ng certificate of analysis na hindi aniya maaaring balewalain.

Sinabi ni Galvez na kailangan ang’ certificate of analysis’ dahil ito ang magpapatunay na safe and effective ang bakuna matapos na ibiyahe patungo sa bansa.

Ang certificate of analysis ay ginagawa ‘after shipment’ at nangangailangang i-validate para matiyak na ang bakunang dinala ay kapareho din ng kalidad ng unang natanggap na bakuna ng pamahalaan gaya ng Sinovac.

Dagdag pa ng kalihim , kailangan ding makita kung maayos ang naging transaksiyon , maging ang packaging ng bakuna.

Julie Fernando

Please follow and like us: