Valenzuela city, magpapatupad muli ng truck ban simula bukas, Dec. 6

Magpatutupad na muli ng truck ban ang Valenzuela city simula bukas, Disyembre 6, 2021, sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Batay sa Ordinance No. 894 series of 2021, ang truck ban ay magsisimula mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

Epektibo ito mula Lunes hanggang Sabado maliban tuwing Linggo at holidays.

Kabilang sa mga itinalagang daan ay ang:

  • McArthur Highway,
  • M.H. del Pilar Street,
  • Governor Santiago Road,
  • P. Santiago Street,
  • Paso del Blas,
  • Maysan Road,
  • General P. De Leon,
  • East Service Road from Karuhatan up to NLEX,
  • Que Grande,
  • A. Mariano,
  • Tatalong Ugong,
  • Sapang Bakaw,
  • General Luis, at
  • Galas Bignay Exit

Samantala, ang truck ban hours sa Bisig Road hanggang Tagalag Road ay mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at mula 3:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

Batay pa sa City Ordinance, sakop ng ban ang mga trak na may bigat na 4,500 kilograms pataas.

Please follow and like us: