Victory liner, nagbago ng iskedyul ng biyahe dahil sa Provincial Bus ban sa Edsa

Nagkaroon ng pagbabago sa schedule ng mga biyahe ng Victory liner sa Pasay.

Kasunod ito ng ipinatutupad ng Metro Manila Development  Authority o MMDA na Provincial Bus ban tuwing rush hour sa Edsa.

Ayon sa Bus company, wala na itong biyahe mula Northern Luzon patungong Pasay simula 5:30 hanggang 10:00 ng umaga at 4:30 hanggang 9:00 ng gabi tuwing weekdays.

Ito ay nagsimula kahapon, August 15. layon anila nitong matiyak na walang Victory Liner bus na magbibiyahe sa nasabing oras.

Dahil dito, inabisuhan nito ang mga pasahero mula sa Northern Luzon na sumakay sa mga bus na may rutang Cubao at Caloocan.

Humingi naman ng paumanhin ang Bus company sa publiko dahil sa pagbabago ng iskedyul ng biyahe.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *