Vlogger na dating sundalo inireklamo ng CIDG sa DOJ ng inciting to sedition

Photo: Net25

Sinampahan ni PNP- CIDG Director Nicolas Torre ang vlogger at resigned Army Captain na si Clemente Enrique, Jr., o kilala sa tawag na Captain Dado o Iking ng reklamong inciting to sedition

Ayon kay Torre, nag-ugat ang reklamo sa mga panawagan ni Clemente sa kaniyang Youtube channels, Facebook pages at TikTok na pabagsakin ang pamahalaan at pag-udyok sa mga tauhan ng PNP at AFP na abandonahin ang kanilang posisyon at suporta sa pangulo.

Pinag-aaralan din aniya ng CIDG ang posibleng pananagutan ng mga ibang sites na nag-share ng mga video ni Clemente.

Nilinaw ni Torre na hindi layon ng reklamo na patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno pero may limitasyon ang freedom of expression.

Ayon kay Torre, “Isa instances na sinabi niya, i-abandon namin ang pag-implement ng warrant of arrest kay Quiboloy before, ngayon naman he is calling for the Armed Forces and the PNP to abandon this government anf topple it to withdeaw support which is foul naman, di yan tama.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *