Voter Registration, suspendido sa mga lugar na kasama sa ECQ

Inanunsyo ng Commission on Elections na sarado ang kanilang mga opisina sa mga lugar na deklarado ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kabilang rito ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Dahil dito, sinabi ng Comelec na suspendido muna ang Voter registration at iba pang Registration services sa kanilang opisina sa mga nasabing lugar.

Ang suspensyon ay mula Marso 29 hanggang Marso 31.

Madz Moratillo

Please follow and like us: