VP elect Sara Duterte, walang personal na perang inilabas sa pangangampanya

Aabot sa mahigit 216.1 million pesos ang nagastos ni Vice president – elect Sara Duterte sa kanyang kampanya.

Batay sa Statement of Contributions and Expenditures o SOCE na inihain ni Sara tumanggap siya ng 79.5 million pesos na in-kind contributions mula sa ibang sources, habang P136.6 million namang in-kind contributions mula sa kanyang political party na Lakas-CMD.

Pero pasok parin naman ito sa maximum spending limit na 670 million pesos.

Wala ring personal na perang inilabas si Duterte para sa kanyang kampanya.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: