VP Sara Duterte may bago nang spokesperson

May bago nang tagapagsalita si Vice President Sara Duterte- Carpio ito ay si Attorney Reynold Munsayac.

Si Munsayac ang papalit kay Liloan Mayor Christina Frasco na itinalaga ni President Elect Bong Bong Marcos bilang susunod na kalihim ng Department of Tourism.

Si Munsayac ay kaklase ni Duterte-Carpio sa Law school at Valedictorian sa klase.

Noong 2021, nagbitiw ito bilang Commission at Acting Chairman ng Presidential Commission on Good Government para tumulong sa kampanya ni Inday Sara.

Nagpasalamat naman si Sara kay Frasco dahil sa kaniyang pagiging epektibong tagapagsalita at pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga kababayan.

Binati rin nito si Frasco sa kaniyang magiging bagong papel sa DOT.

Meanne Corvera

Please follow and like us: