Wala munang bakunahan hanggang April 16 -Manila LGU

Wala munang bakunahan kontra COVID 19 sa Maynila hanggang sa Linggo, Abril 16.

Sa abiso ng Manila LGU, nakasaad na ito ay para bigyang daan ang Semana Santa ng mga Katoliko.

Inanunsyo rin ng lokal na pamahalaan na limitado muna sa Sta Ana Hospital ang swab testing.

Paiiralin naman ang scheduling system para rito, kung saan pwedeng mag email sa [email protected].

Ang mass vaccination at testing sa Lungsod ay muling magpapatuloy sa Abril 17.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: