Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang nangyaring lindol sa Tonga: PHIVOLCS

Walang banta ng tsunami threat makaraan ang isang malakas na lindol na tumama sa Tonga ngayong Sabado, June 17,ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ayon sa PHIVOLCS, base ito sa available data, at wala ring kinakailangang aksiyon sa ngayon.

Ipinalabas ng PHIVOLCS ang pahayag pagkatapos tumama ng isang 6.5-magnitude na lindol sa Tonga kaninang alas-3:11 ng madaling araw.

Ang sentro ng pagyanig ay nasa 270 kilometro sa timog ng Tonga.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *