Walang Pinoy na nadamay sa Brooklyn subway attack – DFA

Walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring Smoke bomb attack na sinundan ng pamamaril sa loob ng isang subway train sa Brooklyn, New york.

Ayon kay Consul General Elmer Cato ng Philippine Consulate sa New york, mismong ang New york police department ang nagreport na walang pinoy na nadamay sa insidente.

Kaugnay nito,naaresto na ng New York Police ang 62-year-old na lalaki na hinihinalang may kagagawan sa pag-atake.

Kinilala ni New York city Mayor Eric Adams ang nadakip na nagngangalang Frank James.

Nadakip ang suspek sa Lower Manhattan .

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa naturang pamamaril.

Please follow and like us: