Walong domestic flights, kanselado na dahil sa Bagyong Jolina

Kanselado na ang walong domestic flights sa mga lugar na apektado ng Bagyong Jolina.

Kabilang sa mga nag-abiso na ng kanselasyon ang Cebu Pacific, CebGo at PAL Express.

Partikular na apektado ang mga biyaheng Catanduanes, Tuguegarao, Naga at return flights sa Metro Manila.

Payo ng Manila International Airport Authority sa mga pasahero, makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o kaya refund ng binayarang tickets.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *