Walong milyong Pinoy nakatanggap na ng National ID

Aabot na sa walong milyong Pilipino ang nakatanggap na ng kanilang National Identification card.

Ayon kay Assistant Secretary Rosalinda Bautista ng PSA, umabot na sa 8,176,454 ang naideliver na National ID.

Katumbas ito ng 24.2 percent ng target ng gobyerno na 33.8 million ngayong taon.

Pinaigting aniya nila ang Information campaign para makapagparehistro na ang lahat ng Pilipino.

Paalala naman ng PSA sa mga nakatanggap ng National ID, wag na itong ipost sa anumang social media account para maprotektahan ang kanilang mga personal na impormasyon.

Nakatakda namang ilunsad ng PSA ang online version ng Philippine ID para magamit na alternatibo sa Physical ID card para sa digital transaction ng publiko.

Meanne Corvera

Please follow and like us: