Wildfire, nananalasa sa Southern California
Inanunsiyo ni Los angeles CIty Council President Marqueece Harris-Dawson, na nagdeklara na ang L.A. ng isang state of emergency, dahil sa isang wildfire na sumiklab sa Pacific Palisades bunsod ng pananalasa ng isang windstorm sa Southern California, na batay sa pagtaya ng weather forecasters ay mapaminsala at maaaring maging banta sa buhay.
Ang wildfire sa Pacific Palisades ay umabot na sa Malibu coast at tumupok na ng isanglibo, dalawangdaan at animnapu’t dalawang ektarya.
Kaugnay nito ay nagpatupad na ng Road closures para southbound Pacific Coast Highway sa Las Flores Canyon Road at Topanga Canyon Boulevard, gayundin sa Coastline Drive at southbound Pacific Coast Highway.
Smoke rises from a wildfire burning near Pacific Palisades on the west side of Los Angeles during a weather driven windstorm, in Los Angeles, California, January 7, 2025. REUTERS/Daniel Cole
Sinabi ni Chief Kristin Crowley ng Los Angeles Fire Department na ang sunog ay lumalaki pa batay sa nakikita ng kanilang mga tauhang sakay ng aicraft.
Aniya, mahigit sa 200 mga bumbero na ang nagtutulong-tulong upang maapula ang apoy katuwang ang ilan pang ahensiya.
Smoke rises from a wildfire burning near Pacific Palisades on the west side of Los Angeles during a weather driven windstorm, in Los Angeles, California, January 7, 2025. REUTERS/Daniel Cole
Nagpalabas naman ang South Coast Air Quality Management District ng isang air quality alert dahil sa pagtaas ng fine particle pollution galing sa wildfire sa buong Santa Monica Mountains, dahil ang Microscopic particles ay maaaring pumasok sa kaloob-looban ng baga na magpapahirap sa paghinga, at maaaring magdulot ng asthma attacks, heart attacks at stroke.