Winning streak ng Grizzlies, pinutol ng Trail Blazers

Damian Lillard of the Portland Trail Blazers shoots against Kyle Anderson of the Memphis Grizzlies.Steph Chambers / Getty Images / AFP

Pinutol ng Portland Trail Blazers ang five-game winning streak ng Memphis Grizzlies, matapos nila itong talunin sa score na 105-100 kahapon (Linggo, Lunes sa Pilipinas.

Dalawang sunod na panalo na ito ng Trail Blazers, kung saan noong Biyernes ay natapos ang pagkatalo nila sa pitong games makaraang magwagi laban sa Charlotte.

Umiskor si Damian Lillard ng 17 sa kaniyang 32 points sa first quarter, at nag-ambag naman si Norman Powell ng 28 points na nasaksihan ng 18,400 spectators sa FedExForum.

Si Dillon Brooks ay umiskor naman ng career-high 37 points para sa Memphis. Ang Grizzlies ay dalawang ulit nang natalo sa huling 12 games.

Nanguna ang Portland, 94-91, sa four-point play ni Lillard mahigit apat na minuto na lang ang natitira at nabawi ang kalamangang 97-95 sa 3-point basket ni Powell makalipas ang tatlong minuto.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Grizzlies na itabla ito may limang segundo na lang, ngunit ang long shot ni Desmond Bane ay tumama sa rim at tumalbog palayo. (AFP)

Please follow and like us: