Wreckage ng hinihinalang rocket ng China na-recover sa Bataan

Natagpuan ng isang lokal na mangingisda sa Morong, Bataan ang wreckage na hinihinalang bahagi ng rocket ng China na Tianzhou.

Matatandaang noong Mayo ay inilunsad ng China ang automated cargo spacecraft na Tianzhou.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) patungkol sa isyu ng West Philippine Sea, ang nasabing wreckage ay kamuka ng itaas na bahagi ng Tianzhou.

Nasa kustodiya na aniya ito ngayon ng coast guard station sa Limay, Bataan.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *