Zambales, tinamaan ng 4.2-magnitude na lindol

Isang 4.2-magnitude na lindol ang tumama sa Zambales ngayong Martes, December 29.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang sentro ng lindol na tumama kaninang ala-1:57 ng madaling araw, ay 14 na kilometro sa timog-kanluran ng Iba, Zambales.

May lalim itong 32 kilometro.

Wala namang napinsalang mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Liza Flores

Please follow and like us: