Court Administrator Marquez naniniwalang hindi na kailangang magconvene ng Senado at Kamara sa isyu ng batas militar sa Mindanao

 

 

 

Hindi na kailangan na magdaos ng joint session ang Senado at Kamara para talakayin o aprubahan ang idineklarang batas militar ng Pangulo sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni Court Administrator Jose Midas Marquez sa kanyang pagsalang sa public interview ng Judicial and Bar Council para sa mababakanteng posisyon sa Korte Suprema.

Ayon kay Marquez, kailangan lang mag-convene ang dalawang kapulungan ng Kongreso kung nais nito na ipawalang-bisa o i-revoke ang deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Marquez na may kapangyarihan ang Supreme Court na rebyuhin ang factual basis ng batas militar.

Una rito ay inatasan na ng Korte Suprema ang liderato ng Senado at Kamara na maghain ng komento sa mga petisyon na humihiling na atasan ito ng SC na magjoint session para rebyuhin ang Proclamation 216 ng Pangulo.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *