Panukalang batas para pigilan ang contractualization pinasesertipikahang urgent sa Pangulo

 

Umaapela si Senador Joel Villanueva kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang batas na pipigil sa labor contractualization.

Layunin  ng Senate Bill 1116 o Endo Act na magpataw ng mabigat na parusa laban sa mga kumpanyang nagpapatupad ng contractualization.

Aprubado na sa Senate Comm. on Labor ang panukala pero hindi pa ito napagtitibay sa Kamara.

Pero patuloy aniya ang ugnayan ng Senado at Kamara para matiyak na hindi na magkakaroon ng disagreeing provisions ang dalawang panukala at mabilis na lumusot sakaling i-certify itong urgent ng Pangulo.

Magugunitang naglabas na ng kautusan ang Dept. of Labor and Employment noong Marso kung saan binabalaan ang mga kumpanya na itigil na ang pagkuha ng mga contractual employees na tumatagal lamang ng lima hanggang anim na buwan.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *