Health Sec. Ubial, misquoted lang sa bilang ng namatay na evacuees sa Marawi City

Iginiit ni Health Sec. Paulyn ubial na na-misquote lamang siya sa ulat na 59 evacuees sa Marawi City ang  nasawi sa mga evacuation centers.

Ayon kay Ubial, mali ang pagkakadinig sa kanya nang kanyang inulat ang figure ng evacuees sa Marawi City na namatay  sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.

Gayunman, ang totoong death toll ay pumalo na sa 24, batay sa kanilang huling bilang.

Karamihan sa mga nasawing evacuees ay dahil sa mga “pre-existing conditions” kagaya ng cancer at sakit sa kidney.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *