COVID-19 cases sa bansa umabot na sa 552 libo

Umakyat na sa 552,246 ang kabuuang bilang ng COVID 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 28,926 lamang ang aktibong kaso.

May 1,391 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 45 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 511,796 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 7 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,524 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: