₱1.2B kada taon nakokolekta ng NPA sa pangingikil – Sec. Lorenzana

Nakakakolekta sa pamamagitan ng pangingikil ang New People’s Army kada taon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza, aabot sa 1.2 billion pesos ang nakukuha ng naturang grupo mula sa mga negosyante sa Agusan, Surigao, Davao at South Cotabato.

Sinabi ng kalihim na ito ang dahilan kaya tutol siya sa usapang pangkapayapaan.

Inihayag pa ni Lorenzana na habang nakikipag-usap ang gobyerno sa rebeldeng komunista ay tuloy-tuloy naman ang mga miyembro nito sa pangingikil.

Dahil dito nanawagan si Lorenzana sa publiko na huwag magbigay ng pera sa mga komunista.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *