Minority bloc sa Kamara kumpiyansang may pag-asa pa ang peacetalks

May nakikita pang pag-asa para sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno at CPP NPA NDF ang Minority Bloc sa Kamara.

Ito ang naging obserbasyon ni House Minority Leader Danilo Suarez matapos personal na magtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng mga makakaliwang grupo na nag-rally sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address.

Ayon kay Suarez, bagaman nasa fighting tone ang Pangulo sa kaniyang talumpati nitong nakalipas na SONA tila hindi pa rin nawawala ang tyansa para sa pagsusulong ng peace talks.

Hinimok nito ang lahat ng stakeholders na bumalik sa negotiating table at pairalin ang sinserong puso para matamo ang hinahangad na tunay na kapayapaan sa bansa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *