2 Bilyong halaga ng mga pekeng produkto, nasabat ng Customs sa Parañaque city

Aabot sa dalawang bilyong pisong halaga ng mga pekeng produkto ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Baclaran sa Paranaque City.

Ayon sa BOC, nagsagawa sila ng inspeksyon sa ilang storage facilities sa Baclaran kung saan nadiskubre ang iba’t ibang pekeng produkto ng mga mamahaling brand gaya ng mga bag, sapatos, pabango, gadget accessories at iba pa.

photo from BOC

Ayon sa BOC ito na ang pinakamalaki nilang nasabat na mga pekeng produkto ngayong taon.

Nagbabala naman ang BOC sa panganib na maaaring idulot ng mga pekeng pabango, cosmetics at iba pang beauty products dahil maaaring nagtataglay ito ng mga toxic chemicals na makakasama sa kalusugan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: