DOH, nakapagtala ng 7,450 bagong mga kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 7,450 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,255,337 ng kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 60,794 naman ang aktibong kaso.

Samantala, may 2,382 naitalang bagong mga gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,173,006 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 181 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 21 537 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: