29 suspek na naaktuhang nagbebenta ng iligal na droga, arestado ng EPD sa buy bust operation sa Pasig City

Dalawampu’t siyam katao na naaktuhang nagbebenta at gumagamit ng iligal na droga sa Pasig city.

Ayon kay Police senior superintendent Orlando Yebra Jr., Chief of police ng Pasig city, ang mga suspek ay naaresto kasabay ng pinaigting na giyera kontra droga.

Pito aniya sa mga suspek ay naaktuhan sa isang pot session kasama ang isang minor de edad, labindalawa ang nakumpsikahan ng droga habang sampu sa kanila ay naaresto sa isang buy bust operations.

Sinabi ni Yebra na pinaigting ang operasyon lalo na sa mga malalapit sa eskwelahan sa pangambang nagagalit na rin ang mga kabataan.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *