3 holdaper, patay sa Police operation sa Quezon City

 

Na-corner ng mga otoridad ang 3 holdaper sa kalye ng C.P. Garcia, Quezon City matapos tangayin ang isang taxi sa Commonwealth Avenue, Quezon City kagabi…

Bumulagta ang tatlong kalalakihan matapos makipag-engkwentro sa mga otoridad.

Ayon sa taxi driver, sumakay ang mga suspect sa Commonwealth Avenue area bandang ala -1:00 ng madaling araw, pero pagdating sa lokasyon kung saan nagpahatid ang mga suspect doon na siya tinutukan ng baril.

Matapos ang insidente isang complainant din ang lumitaw na nabiktima din diumano ng tatlong holdaper.

Kaagad nagkasa ng hot pursuit operation ang mga otoridad matapos na hindi huminto ang taxi sa intersection sa may UP area at dito din napag-alaman ng mga otoridad na nakaw ang taxi na naireport sa kanila.

Narekober sa taxi ang isang calibre 38 baril.

Samantala inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *