33 patay sa dalawang insidente ng Car Bombing sa Libya

Patay ang nasa 33 katao at sugatan ang 50 iba pa matapos ang magkasunod na car bombing sa Libya.

Ang unang pagsabog ay naganap sa labas ng isang mosque sa Eastern city na Benghazi sa Central Al Salmani district habang palabas ang mga worshipper matapos dumalo sa evening prayers.

Makalipas ang 10 hanggang 15 minuto nang dumating sa lugar ang mga security at health officials ay naganap ang ikalawa at mas malakas pang pagsabog.

Sumabog ang isang kotse na nakaparada sa kanilang bahagi ng kalsada at isang ambulansya ang tinamaan ng pagsabog.

Mas marami umano ang nasawi sa ikalawang pagsabog kumpara sa nauna na kinabibilangan ng mga military personnel at mga sibilyan.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *