47 sentimos kada kilowatt hour na pagtaas na singil sa kuryente, bahagya lamang- Meralco

Bumalik na sa normal rates ang suplay ng kuryente kaya nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa singil ngayong buwan.

Gayunman, sinabi ni Meralco Vice-President Jo Zaldarriaga na ang 47 sentimos na pagtaas sa singil kada kilowatt hour ay maituturing na mas mababa pa rin ng mahigit piso kung ikukumpara noong buwan ng Abril.

Maliban sa nagmahal ang presyuhan sa stock market, natapos na ang net settlement refund ngayong buwan.

Umaasa naman ang Meralco na pagsapit ng Disyembre ay magiging stable na ang suplay ng kuryente.

Nanawagan din si Zaldarriaga sa publiko na panatilihin ang wastong paggamit sa kuryente upang mapaghandaan ang pagpasok ng taong 2020 at ang panahon ng tag-init.

Wala na yung refund na naramdaman natin ngayong buwan kaya ganun ang movement. But by December, tingin ko dyan it will stabilize already. Hopefully, given the supply situation we have now that will not be significant in terms of number of red and yellow alerts compared yung mga nagdaang buwan. Let’s prepare for the summer months. Consumptionin December, January and February ale mababa yan eh dahil mababa ang klima pero by March, June ay maghanda na tayo. Make sure that our appliances are in good condition dahil we expect consumption to rise”.

Meralco VP, Jo Zaldarriaga
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *