61 promoted at bagong appointed na Piskal, itinalaga ng Malakanyang sa ibat-ibang prosecutors office sa bansa

Kabuuang animnaput-isa na promoted at appointed na piskal ang inilagay ng Malakanyang sa ibat-ibang tanggapan ng City Prosecutor at Provincial Prosecutors sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, natanggap na ng DOJ ang panibagong batch ng bagong promote at katatalagang public prosecutors.

Sa pagtatapos anya ng Hulyo ay umabot sa 61 ang appointees ng Pangulo sa National Prosecution Service.

Pero nanatili anyang marami pa ring kulang na piskal sa ibat ibang lugar.

Alinsunod sa RA 10071 o batas na lumilikha ng National Prosecution Pervice ng DOJ dapat ay may dalawang prosecutor sa bawat RTC at isa sa kada Municipal trial court in cities o MTCC.

Inihalimbawa ng kalihim ang Santa Rosa City Prosecutor’s Office na tatlo lang ang piskal para sa higit anim na libong kasong hinahawakan.

Sa Santa Rosa City ay may 6 na regional trial court at dalawang  MTCC.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *