7 Lugar sa NCR, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

Pitong local government units sa Metro manila ang walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Octa research fellow Guido David, ito ay ang Malabon, Mandaluyong, Marikina, Navotas, San juan, Valenzuela at Pateros.

Walang bagong kaso ng COVID-19 ang pitong lungsod kahit nagkaroon ng malakihang mga pagtitipon dahil sa nakalipas na eleksyon.

Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, 160 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala noong , Mayo 16.

Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi habang 377 ang nakarekober.

Please follow and like us: