Mga bagong proklamang Senador hinikayat ng malakanyang na tumulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa

Umapela ang Malakanyang sa mga bagong proklamang 12 Senador na tumulong sa papasok na administrasyon upang maibangon ang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na malaki ang problemang kakaharapin ng bagong administrasyon lalo na ang ukol sa ekonomiya na nalugmok dahil sa mahigit dalawang taon ng pananalasa ng pandemya ng COVID-19.

Ayon kay Andanar bagamat sinikap ng Duterte administration na agapan ang epekto ng pandemya ng COVID- 19 malaki parin ang pinsalang iniwan nito sa buhay at kabuhayan ng bansa.

Inihayag ni Andanar malaki ang maitutulong ng mga bagong Senador sa executive department sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga batas na may kaugnayan sa economic recovery.

Binati din ng Malakanyang ang 12 bagong Senador na magiging miyembro ng ika-19 na Kongreso.

Vic Somintac

Please follow and like us: