9 Katao, patay sa pagbagsak ng Cargo plane malapit sa Georgia airport

                                        photo credit: abcnews.go.com

Patay ang siyam katao sa  pagbagsak ng isang Air National Guard C-130 Cargo plane habang nasa training mission malapit sa Georgia airport, USA.

Ang mga namatay ay pawang mga miyembro ng National Guard ng Puerto Rico.

Ayon kay Capt. Jeff Bezore, tagapagsalita ng Georgia Air national guard’s 165th air wing, hindi pa nila matukoy kung ilan lahat ang sakay ng eroplano pero kumpirmadong siyam na ang nasawi.

Iniimbestigahan  din kung ano ang naging dahilan ng plane crash.

Ang Cargo plane ay mula sa 156th air wing ng Puerto Rico, at pawang mga Puerto Rican ang sakay nito na patungo sa isang misyon sa Arizona.

Bumagsak ito sa highway malapit sa paliparan ng Georgia .

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si Puerto Rico Governor Ricardo Rossello.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *