Presidential spokesperson Harry Roque naghain ng leave of absence mula ngayong araw

 

Simula sa araw na ito ay nag-leave sa kanyang trabaho bilang Presidential Spokesman Harry Roque.

Batay sa inpormasyon na ibinigay ng tanggapan ng Presidential spokesman hindi malinaw kung babalik pa sa kanyang trabaho si Roque bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Magugunitang nitong nakaraang linggo ay naglabas ng sama ng loob si Roque dahil tila pinagtataguan siya ng impormasyon hinggil sa aktibidad ng Pangulo.

Una rito ay hindi alam ni Roque na nagpunta si Pangulong Duterte sa Cardinal Santos hospital para muling sumailalim sa colonoscopy at endoscopy procedure pangalawa hindi rin niya alam na nagpunta ang pangulo sa Hongkong.

Wala ring inpormasyon kung itutuloy niya ang pagtakbo sa Senado o tatangapin niya ang iniaalok sa kanya ng Pangulo na maging Press secretary kapag tuluyan ng buwagin ang Presidential Communications Operations office o PCOO.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *