Aggressive community testing off-site operations, isinagawa sa Dilasag, Aurora

Nagdaos ng COVID-19 mass swab testing ang medical personnel, kasama ang iba pang frontline worker at mga empleyado ng LGU Dilasag.

Ang mass swabing o “Aggressive Community Testing,” ang pro-active response ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa pangunguna ng Punong Panlalawigan na si Gerardo A. Noveras, katuwang ang IATF-MEID Testing Czar and Deputy Chief Implementor Vivencio B. Dizon, sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

May kabuuang bilang na 362 na indibidwal ang na-swab test mula sa bayan.

Sa ngayon ay may labing-apat (14) na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Dilasag, at 1,004 naman sa buong lalawigan ng Aurora.

Ulat ni Daceryll Rivera

Please follow and like us: