DOH, nakapagtala ng 6,098 bagong recoveries sa Covid-19; Panibagong mga kaso, bahagyang bumaba sa 6,684 ngayong Lunes

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 6,684 na karagdagang kaso ng Covid-19 ngayong araw.

Dahil dito pumalo na sa 1,230,301 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa mayroong 54,290 active cases.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng panibagong 6,098 na mga gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 1,155,045 ang nakarekober sa sakit.

Mayroon ding bagong 107 mga namatay kaya naitala na sa 20,966 ang death toll ng bansa sanhi ng Covid-19.

Please follow and like us: