Alyas Bikoy, hinamon ni Senate President Vicente Sotto na pangalanan ang grupong tumutulong sa kanya

Hinamon ni Senate President Vicente Sotto III si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na pangalanan ang mga taong nag-udyok sa kanya para idawit si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang personalidad sa illegal drug trade.

Ayon kay Sotto, malinaw na may mga taong kumikilos sa likod ni Advincula.

Katunayan lang ito na nakarating sya sa pangangalaga ng isang religious organization at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Kumbinsido si Sotto na may koneksyon si alyas Bikoy sa malalaking organisasyon dahil hindi naman ito kikilos kung walang  magtatanggol at dedepensa sa kanya.

Pero tumanggi na si Sotto na tukuyin ang grupong nasa likod ni alyas Bikoy at bahala na umano ang Department of Justice.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *