Alyas Bikoy, inabandona na ng Liberal Party kaya kumanta

Matapos matalo ang lahat ng kandidato ng Otso Diretso, pakiramdam ni Peter Advincula alyas Bikoy ay inabandona na siya ng Liberal Party.

Ito ang dahilan ayon kay Advincula ng kaniyang paglantad dahil sa pangambang sa huli, ang mga taga-LP pa mismo ang maglaglag sa kaniya.

Sinabi ni Advincula, dati-rati ay napakabilis niyang makausap si Senador Antonio Trillanes IV pero pagkatapos ng eleksyon hindi na ito nakikipag-usap sa kaniya.

Dati ay mayroon ding security mula sa Magdalo ang nakatalaga sa kaniya sa tinutuluyan niyang unit sa The Groove sa Pasig City pero ngayon ay wala na.

Ayon kay Advincula,  ang naturang unit na pinatirahan sa kaniya sa The Groove ay pag-aari ng isang Lita Salvador na misis ng isang Atty. Salvador na supporter at biggest campaign contributor ng Otso Diretso candidates.

Sinabi din nitong si Atty. Salvador ay dummy ni Senator Trillanes sa ilang properties ng Senador.

Ayon kay Advincula, nagpasya na rin siyang lumantad dahil wala siyang nakikitang indikasyon na tutuparin ng kampo nila Senador Trillanes na siya ay tutulungang makapagpiyansa sa kaniyang mga kaso.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *