Amerikanong wanted sa kasong child pornography, arestado ng Bureau of Immigration

Timbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration  ang puganteng Amerikano na wanted sa kasong child pornography sa Minnesota, USA.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang banyaga na si Gary Jaime Dokulil, 40 anyos na naaresto sa tinutuluyan nito sa Clark Field, Pampanga.

May warrant of arrest na ipinalabas ang US District Court ng Minnesota laban kay Dokulil noong Enero dahil sa kasong child pornography

Una na ring kinansela ng US ang pasaporte ni Dokulil na dumating sa bansa noong Enero 11.

Nakapiit  ito sa detention facility ng BI sa Taguig habang hinihintay ang summary deportation nito.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *