Anim na Barangay sa Valenzuela city, idineklarang drug-free

 

Idineklara nang Drug-free ang anim na Barangay sa Valenzuela City.

Sa panayam ng Radyo Agila kay Mayor Rex Gatchalian, bagamat naideklara nang ligtas sa droga, puspusan pa rin ang trabaho ng lokal na pamahalaan katuwang ang PNP at PDEA upang maging ligtas na sa droga ang buong lunsod.

Samantala, nagpasalamat rin si Gatchalian sa kaniyang mga constituents na malaki ang naging bahagi sa pagiging pangalawa ng Valenzuela City bilang  “pinakaligtas na lunsod sa Southeast Asia” batay sa survey na ginawa ng Numbeo, isa sa mga world’s largest database.

Dahil dito, hinihikayat ni Gatchalian ang mga residente ng lunsod na manatiling mapagbantay at alerto .

Syempre we cannot be resting dahil sa deklarasyon dahil marami pang dapat gawin. Alam naman natin na may bagong mga pasaway na sumusulpot, so hindi pa rin pwedeng mag-relax”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *