Aso, itinaboy ang buwaya pabalik sa ilog

Isang matapang na aso ang itinaboy pabalik sa ilog ang isang malaking buwaya sa Australia goat island.

Isang turista na namamasyal sa nasabing isla ang nag-upload ng mga photos at video sa social media.

Ang buwaya ay sinasabing umahon mula sa ilog matapos itong tawagin ng may-ari ng nasabing lugar.

Maya-maya pa ay tinahulan na ito ng aso, pagkatapos ay tumakbo itong palapit sa buwaya, kinagat ang buntot nito at tuluyang itinaboy pabalik sa ilog.

Nang maitaboy ang buwaya, tumakbong pabalik sa mga taong naunuod ang aso na tila nagselos nang tawagin ng may-ari ang buwayang may pangalang Casey.

 

=== end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *