Aso sa India, iniligtas ang buhay ng isang pamilya mula sa landslide

 photo credit: www.geo.tv

 

Bunsod ng walang tigil na pag-ulan dala ng habagat, nagkaroon ng flash floods sa Southern tourist hotspot ng Kerala, India na nag-iwan ng 39 na kataong patay at nawalan rin ng bahay ang halos isandaang pamilya.

Pero ang isang pamilya ay mapalad na nakaligtas dahil sa kanilang nakamamanghang hero pet dog.

Nagising sa pagtahol ng kanilang aso ang Mohanan family bandang alas-tres ng madaling-araw at nang sumilip sila sa bintana, nakita nila ang rumaragasang tubig mula sa kabundukan ng Idukki district.

Dali-dali namang lumabas ang mga miyembro ng kanilang pamilya at ilang sandali lamang at nawasak at nadaganan na ang kanilang bahay matapos gumuho ang lupa mula sa katabing burol.

Sa kasalukuyan, kasama ang kanilang pet dog, ang Mohanan family ay pansamantalang tumutuloy sa relief camp ng Kerala government matapos silang maisalba sa sakuna.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *