Babae patay matapos mahulog sa ika -14 na palapag ng isang condominium sa Maynila

Patay ang isang babae matapos mahulog mula sa ika-14 na palapag ng isang condominium sa Maynila.

Ayon kay Police Staff Sergeant John Teody Siguen ng homicide section ng Manila Police District, iniimbistigahan pa nila kung paano nahulog ang nasabing babae.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan nito dahil sa inisyal na imbestigasyon ay wala umanong nakakakilala sa biktima.

Pasado alas dose ng tanghali ng dumating ang mga taga punenarya at kunin ang bangkay.

Nagdulot naman ng pagsikip sa daloy ng trapiko ang insidente dahil pansamantalang kinurdunan ang dalawang linya ng kalsada sa kahabaan ng Taft Avenue.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *