DOT at Philippine Retail Association (PRA) lumagda ng kasunduan para sa pagsanay sa MSMEs

Magsasagawa ang Department of Tourism (DOT) at ang Philippine Retail Association (PRA) ng mga pagsasanay at workshop para sa mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Ito ay matapos pumirma sa memorandum of understanding (MOU) ang DOT at PRA.

Ayon sa DOT, makakatuwang nito ang PRA sa pagpapatupad ng Micro Retail Tourism 2.0 “Essential Innovations and Product Enhancement” training module.

Partikular na makikinabang ditto ang Tourism Retail Enterprises (TREs) para mapaunlad pa ang retail competencies at customer experience skills ng mga ito.

Umaasa ang DOT na sa pamamagitan ng partnership ay mapapaunlad pa ang product standards at customer service ng MSMEs at makahikayat pa ng mas maraming turista na bumisita sa bansa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *