Bagong Bucor Chief, nanumpa na sa puwesto

Nanumpa na sa puwesto si bagong Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

Ayon kay Justice undersecretary at spokesperson Markk Perete, si Justice secretary Menardo Guevarra ang nagpanumpa kay Bantag sa posisyon.

Ginanap ang oathtaking ni Bantag sa tanggapan ni Guevarra sa DOJ.

Una nang inihayag ni Guevarra na pangunahin sa mga pinatututukan niya kay Bantag ay ang paglinis sa gulong idinulot ng GCTA, full computerization sa Bucor at pagpapahinto sa illegal drug trade sa Bilibid.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *